Marahil isa ka sa mga nagtapos sa pampublikong unibersidad kung saan itinuro na dapat muna nating unahin ang bayan bago ang ating mga sarili...
Marahil isa ka sa mga nagtapos sa pampublikong unibersidad kung saan itinuro na dapat muna nating unahin ang bayan bago ang ating mga sarili. Kung isa ka namang gradweyt sa isang pribadong universidad o Katolikong paaralan, marahil natatak sa iyong isipan na Diyos bago ang lahat.
Pambubliko man o pribado ang iyong pinanggalingan, alam mong mahalagang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho o negosyo para para magkaroon ng magandang buhay.
Matatalino ang mga Pilipino.
Edukado. May pinag-aralan. At higit sa lahat, proud to be Pinoy tayo kung saan man sa mundo tayo mapadpad.
At tunay nga pong maraming mayaman at makapangyarihan sa ating bansa.
Pero bakit maraming Pinoy ang walang makain at maayos na tirahan? Bakit maraming Pilipino ang tinitiis na mangibang bansa sapagkat walang mahanap na matinong trabaho dito sa atin?
Edukasyon nga ba ang pangunahing susi sa pag-unlad ng ating bansa?
Ilang beses mo nang narinig sa iyong mga magulang na edukasyon ang sagot sa kahirapan? O si titser na panakot ang mababang grades at kung hindi ka titino, baka sa pagtatanim ng kamote ang iyong bagsak.
Marahil ay hindi nagkulang nang paalala ang ating mga guro sapagkat sa unang baitang palang, atin nang nakilala ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang bayan. At pagtuntong sa kolehiyo, lahat ng studyante ay required na kumuha ng Rizal classes kung saan minimulat ang ating kamalayan sa mga konsepto katulad ng civic responsibility at civic duty.
Pero bakit mahirap ang bansang Pilipinas?
Hindi madaling sagutin ang tanong kung bakit mahirap ang bansang Pilipinas.
O sadyang walang sagot. Korapsiyon? Disiplina?
Matatalino ang mga Pilipino. Hindi naman siguro nagkukulang ang pamahalaan at ang DepEd sa pagpapaala na dapat ay inuuna muna natin ang ating bansa bago ang ating mga bulsa.
May solusyon ba sa kahirapan sa ating bansa?
Bakit hindi natin ituro ang tamang paraan kung paano kumita ng pera sa mga paaralan. Hindi pagnanakaw o korapsiyon o panglalamang sa kapwa ang paraan kung paano kumita nang malaking pera at umunlad ang ating buhay. Hindi masamang magkaroon ng malaking bahay. At lalong lalo nang hindi masama ang mamigay ng pera.
Financial education. Practical skills. Let’s teach entrepreneurship to our children. Let’s teach them all.
Maraming mga propesor ang marahil ay hindi papayag sa aking pahayag.
Pero hindi bat kung mayaman ang bawat Pilipino, yayaman ang ating bansa?
Turuan nating kumita ng pera ang ating mga anak at estudyante habang bata pa sila.